Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 139:1-3 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Ako'y iyong siniyasat, batid mo ang aking buhay,ang lahat kong lihim, Yahweh, ay tiyak mong nalalaman.

2. Ang lahat ng gawain ko, sa iyo ay hindi lingid,kahit ikaw ay malayo, batid mo ang aking isip.

3. Ako'y iyong nakikita, gumagawa o hindi man,ang lahat ng gawain ko'y pawang iyong nalalaman.