Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 138:1-5 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Yahweh, ako'y buong pusong aawit ng pasalamat,sa harap ng ibang diyos, pupurihin kitang ganap.

2. Sa harap ng iyong templo ay yuyukod at gagalang,pupurihin kita roon, pupurihin ang iyong ngalan;dahilan sa pag-ibig mo at sa iyong katapatan,ika'y tunay na dakila, pati iyong kautusan.

3. Noong ako ay tumawag, tinanggap ko ang tugon mo,sa lakas mong itinulong ay lumakas agad ako.

4. Dahilan sa pangako mong narinig ng mga hari,pupurihin ka ng lahat at ika'y ipagbubunyi;

5. ang lahat ng ginawa mo ay kanilang aawitin,at ang kadakilaan mo ay kanilang sasambitin.