1. Yahweh, ako'y buong pusong aawit ng pasalamat,sa harap ng ibang diyos, pupurihin kitang ganap.
2. Sa harap ng iyong templo ay yuyukod at gagalang,pupurihin kita roon, pupurihin ang iyong ngalan;dahilan sa pag-ibig mo at sa iyong katapatan,ika'y tunay na dakila, pati iyong kautusan.
3. Noong ako ay tumawag, tinanggap ko ang tugon mo,sa lakas mong itinulong ay lumakas agad ako.