6. Nilikha ang lupa at pati ang tubig nitong kalaliman.Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman!
7. Siya ang lumikha, siya ang gumawa, ng araw at buwan.Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman!
8. Nilikha ang araw upang sa maghapon ay siyang tumanglaw.Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman!
9. At kanyang nilikhang pananglaw kung gabi, bituin at buwan.Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman!
10. Ang mga panganay ng mga Egipcio ay kanyang pinatay.Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman!
11. Mula sa Egipto kanyang inilabas ang bayang hinirang.Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman!
12. Ang ginamit niya'y mga kamay niyang makapangyarihan.Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman!
13. Ang Dagat na Pula, kanyang inutusan at nahati naman.Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman!
14. Ang pinili niyang bayan ng Israel ay doon dumaan.Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman!
15. Ngunit nilunod niya itong Faraon at hukbong sandatahan.Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman!
16. Nang mailabas na'y siya ang kasama habang nasa ilang.Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman!
17. Pinagpapatay niya yaong mga haring may kapangyarihan.Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman!
18. Maging mga haring bantog noong una ay kanyang pinatay.Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman!
19. Siya ang pumatay sa haring Amoreo, ang haring si Sihon.Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman!
20. Siya rin ang pumatay sa bantog na si Og, ang hari ng Bashan.Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman!
21. Ang lupain nila'y ipinamahagi sa kanyang hinirang.Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman!
22. Ipinamahagi niya sa Israel, bayang minamahal.Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman!
23. Di niya nilimot nang tayo'y malupig ng mga kaaway.Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman!