19. Siya ang pumatay sa haring Amoreo, ang haring si Sihon.Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman!
20. Siya rin ang pumatay sa bantog na si Og, ang hari ng Bashan.Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman!
21. Ang lupain nila'y ipinamahagi sa kanyang hinirang.Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman!
22. Ipinamahagi niya sa Israel, bayang minamahal.Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman!
23. Di niya nilimot nang tayo'y malupig ng mga kaaway.Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman!
24. Pinalaya tayo, nang tayo'y masakop ng mga kalaban.Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman!
25. Lahat ng pagkain ng tao at hayop, siya'ng nagbibigay.Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman!
26. Ang Diyos nitong langit ay dapat purihin at pasalamatan.Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman!