1. Purihin si Yahweh sa kanyang kabutihan.Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman!
2. Pinakadakilang Diyos ng mga diyos ay pasalamatan.Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman!
3. Ang Panginoon ng mga Panginoon ay ating pasalamatan.Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman!
4. Dakilang himala at kababalaghan, tanging kanya lamang.Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman!
5. Itong kalangitan kanyang ginawa nang buong kahusayan.Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman!
6. Nilikha ang lupa at pati ang tubig nitong kalaliman.Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman!
7. Siya ang lumikha, siya ang gumawa, ng araw at buwan.Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman!
8. Nilikha ang araw upang sa maghapon ay siyang tumanglaw.Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman!
9. At kanyang nilikhang pananglaw kung gabi, bituin at buwan.Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman!
10. Ang mga panganay ng mga Egipcio ay kanyang pinatay.Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman!
11. Mula sa Egipto kanyang inilabas ang bayang hinirang.Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman!