Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 135:15-19 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

15. Ang mga diyos ng mga bansa'y gawa sa pilak at ginto,kamay ng mga tao ang humugis at bumuo.

16. Oo't mayro'n silang bibig, hindi naman maibuka,mga mata'y mayroon din, hindi naman makakita;

17. mayroon silang mga tainga, ngunit hindi makarinig,hindi sila humihinga, sa ilong man o sa bibig.

18. Ang gumawa sa kanila, at lahat nang nagtiwala,matutulad sa idolong sila na rin ang lumikha!

19. Si Yahweh ay papurihan, purihin siya, O Israel,maging kayong mga pari sa Diyos ay magpuri rin.