Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 135:1-4 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Purihin si Yahweh!Ngalan niya ay purihin kayong mga lingkod niya.

2. Kayong lahat na sa banal niyang templo'y pumapasokupang doon manambahan sa banal na bahay ng Diyos.

3. Si Yahweh ay papurihan pagkat siya ay mabuti,ang taglay niyang kabaitan ay marapat sa papuri.

4. Siya rin nga ang pumili kay Jacob na kanyang lingkod,ang Israel nama'y bansang pinili niya at kinupkop.