Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 135:1-10 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Purihin si Yahweh!Ngalan niya ay purihin kayong mga lingkod niya.

2. Kayong lahat na sa banal niyang templo'y pumapasokupang doon manambahan sa banal na bahay ng Diyos.

3. Si Yahweh ay papurihan pagkat siya ay mabuti,ang taglay niyang kabaitan ay marapat sa papuri.

4. Siya rin nga ang pumili kay Jacob na kanyang lingkod,ang Israel nama'y bansang pinili niya at kinupkop.

5. Nalalaman kong si Yahweh ang Diyos na dakila,higit siya sa alinmang diyus-diyosang naglipana;

6. anumang nais ni Yahweh sa langit man o sa lupa,at kahit sa karagatan, ang anumang panukala,ginaganap niya ito, sa sariling pagkukusa.

7. Nilikha niya itong ulap na laganap sa daigdig,maging bagyong malalakas na may kidlat na mabilis;sa kanya rin nagmumula itong hanging umiihip.

8. Pinuksa niya sa Egipto bawat anak na panganay,maging tao't maging hayop ang panganay ay namatay.

9. Nagpakita siya roon ng gawang kahanga-hanga,upang kanyang pagdusahin si Farao't kanyang bansa.

10. Marami rin naman siyang winasak na mga bansa,at maraming mga haring pawang bantog ang pinuksa.