Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 132:3-5-13 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

3-5. “Di ako uuwi, nangangako ako na hindi hihimlay,hangga't si Yahweh ay wala pang lugar na matitirahan,isang templong laan sa Makapangyarihang Diyos ni Jacob.”

6. Aming nabalitaang nasa Bethlehem ang Kaban ng Tipan,sa bukid ng Jaar namin nasumpungan.

7. Ang aming sinabi, “Ang templo ni Yahweh ay puntahan natin,sa harap ng trono siya ay sambahin!”

8. Sa iyong tahanan, Yahweh, pumasok ka kasama ang kaban,ang kabang sagisag ng kapangyarihan.

9. Iyong mga pari, hayaang maghayag ng iyong pagliligtas,ang mga hinirang sumigaw sa galak!

10. Alang-alang naman sa lingkod mong si David,ang piniling hari, ay huwag mong itakwil.

11. Ang iyong pangako, kay David mong lingkod,huwag mong babawiin,ganito ang iyong pangakong habilin:“Isa sa anak mo ang gagawing hari upang mamahala,matapos na ika'y pumanaw sa lupa.

12. Kung magiging tapat ang mga anak mo sa bigay kong tipan,at ang mga utos ko ay igagalang,ang mga anak mo'y pawang maghaharing walang katapusan.”

13. Pinili ni Yahweh,na maging tahanan ang Lunsod ng Zion.