Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 132:11-18 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

11. Ang iyong pangako, kay David mong lingkod,huwag mong babawiin,ganito ang iyong pangakong habilin:“Isa sa anak mo ang gagawing hari upang mamahala,matapos na ika'y pumanaw sa lupa.

12. Kung magiging tapat ang mga anak mo sa bigay kong tipan,at ang mga utos ko ay igagalang,ang mga anak mo'y pawang maghaharing walang katapusan.”

13. Pinili ni Yahweh,na maging tahanan ang Lunsod ng Zion.

14. Ito ang wika niya: “Doon ako titira panghabang panahon,ang paghahari ko'y magmumula roon.

15. Ang lahat ng bagay na hingin ng Zion, aking ibibigay,hindi magugutom ang dahop sa buhay.

16. Iyong mga pari hayaang maghayag sa aking pagliligtas,ang mga hinirang sumigaw sa galak.

17. Sa lipi ni David, ako ay kukuha ng haring dakila,upang maingatan ang pagpapatuloy ng pamamahala.

18. Yaong kaharian niya ay uunlad at mananagana,ngunit kaaway niya'y lahat mapapahiya.”