Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 132:1-6 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Alalahanin mo, O Yahweh, si David na iyong alipin;huwag mong lilimutin ang lahat ng hirap na kanyang tiniis.

2. Alalahanin mo ang kanyang pangakong ginawa sa iyo,O Dakilang Diyos ng bansang Israel, wika niya'y ganito:

3-5. “Di ako uuwi, nangangako ako na hindi hihimlay,hangga't si Yahweh ay wala pang lugar na matitirahan,isang templong laan sa Makapangyarihang Diyos ni Jacob.”

6. Aming nabalitaang nasa Bethlehem ang Kaban ng Tipan,sa bukid ng Jaar namin nasumpungan.