Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 130:5-8 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

5. Sabik akong naghihintay, O Yahweh, sa iyong tugon,pagkat ako'y may tiwala sa pangako mong pagtulong.

6. Yaring aking pananabik, Panginoon, ay higit pasa bantay na naghihintay ng pagsapit ng umaga.

7. Magtiwala ka, Israel, magtiwala ka kay Yahweh,matatag at di kukupas ang pag-ibig niyang dulot,lagi siyang nakahandang sa sinuman ay tumubos.

8. Ililigtas ang Israel, bansang kanyang minamahal,ililigtas niya sila sa kanilang kasalanan.