Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 125:1-5 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Parang Bundok Zion, ang taong kay Yahweh ay nagtitiwala,kailanma'y di makikilos, hindi mauuga.

2. Itong Jerusalem ay naliligiran ng maraming bundok,gayon nagtatanggolsa mga hinirang si Yahweh, ating Diyos.

3. Taong masasamaay di hahayaang laging mamahala,pagkat maaaring ang mga pinili, mahawa sa sama.

4. Ang mga mabait na tapat sumunod sa iyong kautusan,sana'y pagpalain mo sila, O Yahweh, sa kanilang buhay.

5. Ngunit ang masama, sa kanilang hilig iyong parusahan,parusahan sila, dahil sa di wasto nilang pamumuhay.Kapayapaan para sa Israel!Isang Awit ng Pag-akyat upang Sumamba.