Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 124:1-4 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Ano kaya't kung si Yahweh ay di pumanig sa atin;O Israel, ano kaya yaong iyong sasabihin?

2. “Kung ang Diyos na si Yahweh, sa amin ay di pumanig,noong kami'y salakayin ng kaaway na malupit,

3. maaaring kami noon ay nilamon na nang buháysa silakbo ng damdamin at ng galit na sukdulan.

4. Maaaring kami noo'y natangay na niyong agos,naanod sa karagata't tuluy-tuloy na nalunod;