Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 122:1-6 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Ako ay nagalak nang sabihin nila:“Pumunta na tayo sa bahay ni Yahweh.”

2. Sama-sama kami matapos sapitin,ang pintuang-lunsod nitong Jerusalem.

3. Itong Jerusalem ay napakaganda,matatag at maayos na lunsod siya.

4. Dito umaahon ang lahat ng angkan,lipi ni Israel upang manambahan,ang hangad, si Yahweh ay pasalamatan,pagkat ito'y utos na dapat gampanan.

5. Doon din naroon ang mga hukumanat trono ng haring hahatol sa tanan.

6. Ang kapayapaan nitong Jerusalem, sikaping kay Yahweh ito'y idalangin:“Ang nangagmamahal sa iyo'y pagpalain.