3. Patigilin mo, Yahweh, ang madaldal na dila,at sarhan ang bibig ng hambog magsalita;
4. silang laging nagsasabi,“Kami'y magsasalita ng nais namin;at sa gusto nami'y walang makakapigil!”
5. “Darating na ako,” sabi ni Yahweh,“Upang saklolohan ang mga inaapi.Sa pinag-uusig na walang magkupkop,hangad nilang tulong ay ipagkakaloob!”
6. Ang mga pangako ni Yahweh ay maaasahan,ang katulad nila'y pilak na lantay;tinunaw sa hurnong hinukay, pitong beses na pinadalisay.
7. Kami, Yahweh, ay lagi mong ingatan,sa ganitong mga tao ay huwag pabayaan;
8. Ang masasamang tao'y nasa lahat ng lugar,ang mga gawang liko ay ikinararangal!