Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 119:96-100 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

96. Nabatid kong sa daigdig, walang ganap na anuman,ngunit ang iyong mga utos walang hanggan yaong saklaw.(Mem)

97. O ang iyong mga utos ay tunay kong iniibig,araw-araw, sa maghapon ay siya kong iniisip.

98. Kasama ko sa tuwina'y yaong iyong kautusan,kaya ako'y dumurunong nang higit pa sa kaaway.

99. Sa lahat kong mga guro, ang unawa ko ay higit,pagkat ang aral mo't turo ang laman ng aking isip.

100. Ang taglay kong karununga'y higit pa sa matatanda,pagkat ang iyong mga utos ay hindi ko sinisira.