Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 119:86-94 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

86. Inuusig nila ako, kahit mali ang paratang,sa batas mo'y may tiwala, kaya ako ay tulungan!

87. Halos sila'y magtagumpay na kitlin ang aking buhay,ngunit ang iyong mga utos ay hindi ko nalimutan.

88. Dahilan sa pag-ibig mo, O Yahweh, ako ay lingapin,at ang iyong mga utos ay masikap kong susundin.(Lamedh)

89. Ang salita mo, O Yahweh, di kukupas, walang hanggan,matatag at di makilos sa rurok ng kalangitan.

90. Ang taglay mong katapatan ay hindi na magbabago;ang nilikha mong daigdig, matatag sa kanyang dako.

91. Hanggang ngayon ay matatag, pagkat ikaw ang nag-utos,alipin mo silang lahat at sa iyo'y naglilingkod.

92. Kung ang iyong kautusa'y di bukal ng aking galak,namatay na sana ako sa dinanas na paghihirap.

93. Ang utos mo'y susundin ko, di ito tatalikuran,pagkat dahil sa utos mo, ako ngayo'y nabubuhay.

94. Ang lingkod mo'y iyong-iyo, kaya ako ay iligtas,ang pagsunod sa utos mo ay siya kong sinisikap.