Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 119:79-93 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

79. Sa akin ay magsilapit ang sa iyo ay may takot,maging yaong mga tao na alam ang iyong utos.

80. Sana'y lubos kong masunod ang buo mong kautusan,upang hindi mapahiya't tamuhin ko ang tagumpay.(Kap)

81. Kaluluwa ko'y naghihintay ng iyong pagliligtas;lubos akong nagtiwala sa bigay mong pangungusap.

82. Dahilan sa paghihintay lumamlam na yaring tingin,ito ngayon ang tanong ko: “Kailan mo aaliwin?”

83. Katulad ko'y nangulubot na sisidlang yaring katad,gayon pa man, di ko pa rin nilimot ang iyong batas.

84. Gaano bang katagal pa, ang lingkod mo maghihintay,sa parusang igagawad sa nang-usig kong kaaway?

85. Mga taong mayayabang, mga taong masuwayin,nag-umang ng mga bitag upang ako ay hulihin.

86. Inuusig nila ako, kahit mali ang paratang,sa batas mo'y may tiwala, kaya ako ay tulungan!

87. Halos sila'y magtagumpay na kitlin ang aking buhay,ngunit ang iyong mga utos ay hindi ko nalimutan.

88. Dahilan sa pag-ibig mo, O Yahweh, ako ay lingapin,at ang iyong mga utos ay masikap kong susundin.(Lamedh)

89. Ang salita mo, O Yahweh, di kukupas, walang hanggan,matatag at di makilos sa rurok ng kalangitan.

90. Ang taglay mong katapatan ay hindi na magbabago;ang nilikha mong daigdig, matatag sa kanyang dako.

91. Hanggang ngayon ay matatag, pagkat ikaw ang nag-utos,alipin mo silang lahat at sa iyo'y naglilingkod.

92. Kung ang iyong kautusa'y di bukal ng aking galak,namatay na sana ako sa dinanas na paghihirap.

93. Ang utos mo'y susundin ko, di ito tatalikuran,pagkat dahil sa utos mo, ako ngayo'y nabubuhay.