Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 119:71-74 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

71. Sa akin ay nakabuti ang parusang iyong dulot,pagkat aking naunawang mahalaga ang iyong utos.

72. Higit pa sa ginto't pilak nitong buong sanlibutan,ang mabuting idudulot ng bigay mong kautusan.(Yod)

73. Nilikha mo ako, O Yahweh, ako'y iyong iningatan;bigyan ako ng unawa upang batas mo'y malaman.

74. Ang sa iyo'y natatakot, kapag ako ay nakita,matutuwa sa lingkod mong sa iyo ay umaasa.