Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 119:50-65 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

50. Sa gitna ng kahirapan, ang nadama ko ay aliw,pagkat buhay ang natamo sa pangako mo sa akin.

51. Labis akong hinahamak nitong mga taong hambog,ngunit di ko sinusuway ang bigay mong mga utos.

52. Bumabalik sa gunita ang payo mo noong araw,ito, Yahweh, sa lingkod mo ang dulot ay kaaliwan.

53. Nag-aapoy ang galit ko sa tuwing nakikita ko,yaong mga masasamang lumalabag sa batas mo.

54. Noong ako'y mapalayo sa sarili kong tahanan,ang awiting nilikha ko ay tungkol sa kautusan.

55. Ang ngalan mo'y nasa isip kung kumagat na ang dilim,Yahweh, aking sinisikap na utos mo'y laging sundin.

56. Nasasalig sa pagsunod ang tunay kong kagalakan,kaya naman sinusunod ko ang iyong kautusan.(Kheth)

57. Ikaw lamang, O Yahweh, ang lahat sa aking buhay,kaya ako'y nangangakong susundin ang kautusan.

58. Taimtim sa aking puso, na ako ay humihiling,sang-ayon sa pangako mo ay mahabag ka sa akin.

59. Tinanong ko ang sarili kung ano ang nararapat,ang tugon sa katanunga'y sundin ko ang iyong batas.

60. Kaya ako'y nagdumali, upang hindi na mabalam,sa hangad kong masunod na ang bigay mong kautusan.

61. Mga taong masasama kahit ako ay gapusin,ang bigay mong mga utos ay di pa rin lilimutin.

62. Gumigising akong lagi pagsapit ng hatinggabi,sa matuwid mong paghatol lagi kitang pinupuri.

63. Tapat akong kaibigan ng sa iyo'y naglilingkod,mga taong buong pusong sa utos mo'y sumusunod.

64. Ang dakilang pag-ibig mo'y laganap sa daigdigan,ituro sa akin, Yahweh, ang banal mong kautusan.(Tet)

65. Tinupad mo, O Yahweh, ang pangakong binitiwan,kay buti ng ginawa mo sa lingkod mong minamahal.