Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 119:46-56 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

46. At maging sa mga hari, ang utos mo'y babanggitin,hindi ako mahihiya na ito ay aking gawin.

47. Sa pagsunod sa utos mo nalulugod akong labis,di masukat ang galak ko, pagkat aking iniibig.

48. Mahal ko ang iyong utos, ito'y aking ginagalang,sa aral mo at tuntunin ako'y magbubulay-bulay.(Zayin)

49. Ang pangako sa lingkod mo, sana'y iyong gunitain,pag-asa ang idinulot ng pangako mo sa akin.

50. Sa gitna ng kahirapan, ang nadama ko ay aliw,pagkat buhay ang natamo sa pangako mo sa akin.

51. Labis akong hinahamak nitong mga taong hambog,ngunit di ko sinusuway ang bigay mong mga utos.

52. Bumabalik sa gunita ang payo mo noong araw,ito, Yahweh, sa lingkod mo ang dulot ay kaaliwan.

53. Nag-aapoy ang galit ko sa tuwing nakikita ko,yaong mga masasamang lumalabag sa batas mo.

54. Noong ako'y mapalayo sa sarili kong tahanan,ang awiting nilikha ko ay tungkol sa kautusan.

55. Ang ngalan mo'y nasa isip kung kumagat na ang dilim,Yahweh, aking sinisikap na utos mo'y laging sundin.

56. Nasasalig sa pagsunod ang tunay kong kagalakan,kaya naman sinusunod ko ang iyong kautusan.(Kheth)