Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 119:31-37 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

31. Itong mga tuntunin mo, O Yahweh, ay sinunod ko;huwag nawang hahayaang mapahiya ang lingkod mo.

32. Ang lahat mong mga utos, ay malugod kong susundin,dahilan sa pang-unawang ibibigay mo sa akin.(He)

33. Ituro mo, O Yahweh, layunin ng kautusan,at iyon ang susundin ko habang ako'y nabubuhay.

34. Ituro mo ang batas mo't sisikapin kong masunod,buong pusong iingatan at susundin ko nang lubos.

35. Sa pagsunod sa utos mo, ako'y iyong pangunahan,pagkat dito nakakamtan ang ligayang inaasam.

36. Itulot mong hangarin ko na sundin ang iyong utos,higit pa sa paghahangad na yumaman akong lubos.

37. Ilayo mo ang pansin ko sa bagay na walang saysay;at ayon sa pangako mo'y pagpalain akong tunay.