Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 119:28-31 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

28. Damdam ko ba sa sarili, naghahari'y pawang lungkot;sang-ayon sa pangako mo, palakasin akong lubos.

29. Sa landas na di matuwid, huwag mo akong hahayaan,pagkat ikaw ang mabuti, ituro ang iyong aral.

30. Ang pasya ko sa sarili, ako'y maging masunurin,sa batas mo, ang pansin ko ay doon ko ibabaling.

31. Itong mga tuntunin mo, O Yahweh, ay sinunod ko;huwag nawang hahayaang mapahiya ang lingkod mo.