Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 119:20-35 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

20. Ang puso ko'y nasasabik, at ang laging hinahangad,ang lahat ng tuntunin mo ay mabatid oras-oras.

21. Ang mga mapagmataas, iyong pinaparusahan;at iyong isinusumpa ang sa utos mo ay laban.

22. Sa ganitong mga tao'y ilayo mo akong ganap,yamang ang iyong kautusan ay siya kong tinutupad.

23. Kahit ako ay usigi't labanan ng pamunuan,itong iyong abang lingkod sa utos mo'y mag-aaral.

24. Ang buo mong kautusan sa akin ay umaaliw,siyang gurong nagpapayo sa lahat kong suliranin.(Daleth)

25. Ako'y gapi't lupasay na sa bunton ng alikabok,sang-ayon sa pangako mo, palakasin akong lubos.

26. Ang aking mga gawang kamalia'y pinatawad mo,ang tuntunin mo at aral, sa lingkod mo'y ituro.

27. Tulungang maunawaan, iyong mga kautusan,iyong kahanga-hangang gawa, lubos kong pag-aaralan.

28. Damdam ko ba sa sarili, naghahari'y pawang lungkot;sang-ayon sa pangako mo, palakasin akong lubos.

29. Sa landas na di matuwid, huwag mo akong hahayaan,pagkat ikaw ang mabuti, ituro ang iyong aral.

30. Ang pasya ko sa sarili, ako'y maging masunurin,sa batas mo, ang pansin ko ay doon ko ibabaling.

31. Itong mga tuntunin mo, O Yahweh, ay sinunod ko;huwag nawang hahayaang mapahiya ang lingkod mo.

32. Ang lahat mong mga utos, ay malugod kong susundin,dahilan sa pang-unawang ibibigay mo sa akin.(He)

33. Ituro mo, O Yahweh, layunin ng kautusan,at iyon ang susundin ko habang ako'y nabubuhay.

34. Ituro mo ang batas mo't sisikapin kong masunod,buong pusong iingatan at susundin ko nang lubos.

35. Sa pagsunod sa utos mo, ako'y iyong pangunahan,pagkat dito nakakamtan ang ligayang inaasam.