Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 119:2-9 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

2. Mapalad ang sumusunod sa kanyang patakaran,buong pusong naghahanap sa kanyang kalooban;

3. ang gawain ay matuwid, namumuhay silang ganap,sa kanyang kalooban ay doon sila lumalakad.

4. Ibinigay mo nga sa amin ang iyong mga utos,upang buong pagsisikap na ito'y aming masunod.

5. Gayon ako umaasa, umaasang magiging tapat,susundin ang iyong utos, susundin nang buong ingat.

6. Kahihiyan ay hindi ko matitikman kailanpaman,kung ako ay susunod nang tapat sa iyong kautusan.

7. Ang matuwid mong tuntunin habang aking tinatarok,buong pusong magpupuri, pupurihin kitang lubos.

8. Ang lahat ng iyong utos ay sisikapin kong sundin,huwag mo akong iiwanan, huwag mo akong lilisanin.(Bet)

9. Paano mapapanatiling malinis ang pamumuhay ng sinumang tao, sa kanilang kabataan?Sa pamamagitan ng pagsunod sa banal mong kautusan.