Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 119:17-26 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

17. Itong iyong abang lingkod, O Yahweh, nawa'y pagpalain,upang ako ay mabuhay at ang utos mo ang sundin.

18. Buksan mo ang paningin ko pagkat nananabik masdan,kabutihang idudulot sa akin ng iyong aral.

19. Ang buhay ko sa daigdig ay pansamantala lamang,kaya huwag mong ikukubli sa akin ang kautusan.

20. Ang puso ko'y nasasabik, at ang laging hinahangad,ang lahat ng tuntunin mo ay mabatid oras-oras.

21. Ang mga mapagmataas, iyong pinaparusahan;at iyong isinusumpa ang sa utos mo ay laban.

22. Sa ganitong mga tao'y ilayo mo akong ganap,yamang ang iyong kautusan ay siya kong tinutupad.

23. Kahit ako ay usigi't labanan ng pamunuan,itong iyong abang lingkod sa utos mo'y mag-aaral.

24. Ang buo mong kautusan sa akin ay umaaliw,siyang gurong nagpapayo sa lahat kong suliranin.(Daleth)

25. Ako'y gapi't lupasay na sa bunton ng alikabok,sang-ayon sa pangako mo, palakasin akong lubos.

26. Ang aking mga gawang kamalia'y pinatawad mo,ang tuntunin mo at aral, sa lingkod mo'y ituro.