Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 119:132-146 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

132. Ako'y iyong kahabagan, ngayon ako ay lingapin,at sa mga taong tapat, itulad mo ang pagtingin.

133. Sang-ayon sa pangako mo, huwag mo akong hahayaangmahulog sa gawang mali at ugaling mahahalay.

134. Sa sinumang naghahangad na ako ay alipinin,iligtas mo ang lingkod mo't ang utos mo ang susundin.

135. Sa buhay ko'y tumanglaw ka at ako ay pagpalain,at ang iyong mga utos ay ituro mo sa akin.

136. Parang agos na ng batis ang daloy ng aking luha,dahilan sa mga taong sa utos mo'y sumisira.(Tsade)

137. Matuwid ka, O Yahweh, matapat ka nga at banal,matapat ang tuntunin mo sa bigay mong kautusan.

138. Yaong mga tuntunin mong iniukol mo sa amin,sa lahat ay naaangkop, at matapat ang layunin.

139. Nag-aapoy ang galit ko, sa puso ko'y nag-aalab,pagkat yaong kaaway ko sa utos mo'y yumuyurak.

140. Ang pangako mo sa amin ay subok na't walang mintis,kaya naman ang lingkod mo'y labis itong iniibig.

141. Kung ako ma'y walang saysay at kanilang itinakwil,gayon pa man, ang utos mo'y hindi pa rin lilimutin.

142. Ang taglay mong katapatan, kailanma'y di kukupas,katuruan mo'y totoo at ito ay walang wakas.

143. Ang buhay ko'y nalilipos ng hirap at suliranin,ngunit ang iyong kautusan ang sa aki'y umaaliw.

144. Ang lahat ng tuntunin mo'y matuwid at walang hanggan,bigyan ako ng unawa at ako ay mabubuhay.(Qof)

145. Buong pusong tumatawag itong iyong abang lingkod;ako'y iyong dinggin, Yahweh, at susundin ko ang utos.

146. Tumatawag ako, Yahweh, sa iyo ay dumaraing,iligtas mo ako ngayon nang ang utos mo ay sundin.