Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 119:124-128 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

124. Sang-ayon sa pag-ibig mo, gayon ang gawing pagtingin,ang lahat ng tuntunin mo ay ituro na sa akin.

125. Bigyan mo ng pang-unawa itong iyongabang lingkod,upang aking maunawa ang aral mo't mga utos.

126. Panahon na, O Yahweh, upang ikaw ay kumilos,nilalabag na ng tao ang bigay mong mga utos.

127. Mahal ko ang iyong utos nang higit pa kaysa ginto,kaysa gintong dinalisay, utos mo'y isinapuso.

128. Kaya iyang tuntunin mo ang siya kong sinusunod,pagkat ako'y namumuhi sa anumang gawang buktot.(Pe)