Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 119:116-126 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

116. Ang lakas na pangako mo, upang ako ay mabuhay,ibigay mo't ang pag-asa ko ay hindi mapaparam.

117. Upang ako ay maligtas, ingatan mo ako, O Diyos,ang pansin ko'y itutuon sa bigay mong mga utos.

118. Ang lumabag sa utos mo ay lubos mong itatakwil,ang kanilang panlilinlang ay wala ring sasapitin.

119. Sa lahat ng masasama, basura ang iyong tingin,kaya naman ang turo mo ang siya kong iibigin.

120. Dahil sa iyo, ang damdam ko'y para akong natatakot,sa hatol mong igagawad, natatakot akong lubos.(Ayin)

121. Ang matuwid at mabuti ay siya kong ginampanan,sa kamay ng kaaway ko, huwag mo akong pabayaan.

122. Aming Diyos, mangako kang iingatan ang iyong lingkod,at hindi mo babayaang guluhin ng mga hambog.

123. Malamlam na ang mata ko, sa tagal ng paghihintay,sa pangako mo sa aking tatanggapi'y kaligtasan.

124. Sang-ayon sa pag-ibig mo, gayon ang gawing pagtingin,ang lahat ng tuntunin mo ay ituro na sa akin.

125. Bigyan mo ng pang-unawa itong iyongabang lingkod,upang aking maunawa ang aral mo't mga utos.

126. Panahon na, O Yahweh, upang ikaw ay kumilos,nilalabag na ng tao ang bigay mong mga utos.