Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 119:110-116 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

110. Sa akin ay mayroong handang patibong ang masasama,ngunit ang iyong kautusan ay hindi ko sinisira.

111. Ang bigay mong mga utos, ang pamanang walang hanggan,sa puso ko'y palagi nang ang dulot ay kagalakan.

112. Ang pasya ko sa sarili, sundin ko ang kautusan,susundin ko ang utos mo habang ako'y nabubuhay.(Samek)

113. Ako'y galit sa sinumang sa iyo ay hindi tapat,ang tunay kong iniibig ay ang iyong mga batas.

114. Ikaw lamang ang muog ko at matibay na sanggalang,ang pangako mo sa akin ay lubos kong aasahan.

115. Kaya kayong masasama, ako'y inyo nang lubayan,pagkat ang utos ng Diyos, hindi ko tatalikuran.

116. Ang lakas na pangako mo, upang ako ay mabuhay,ibigay mo't ang pag-asa ko ay hindi mapaparam.