Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 119:107-111 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

107. Labis-labis, O Yahweh, ang hirap kong tinataglay,sang-ayon sa pangako mo, pasiglahin yaring buhay.

108. Ang handog kong pasalamat, Yahweh, sana ay tanggapin,yaong mga tuntunin mo ay ituro mo sa akin.

109. Ako'y laging nakahandang magbuwis ng aking buhay;pagkat di ko malilimot yaong iyong kautusan.

110. Sa akin ay mayroong handang patibong ang masasama,ngunit ang iyong kautusan ay hindi ko sinisira.

111. Ang bigay mong mga utos, ang pamanang walang hanggan,sa puso ko'y palagi nang ang dulot ay kagalakan.