Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 119:1-5 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Mapalad ang mga taong malinis ang pamumuhay,kautusan ni Yahweh ang sinusunod araw-araw.

2. Mapalad ang sumusunod sa kanyang patakaran,buong pusong naghahanap sa kanyang kalooban;

3. ang gawain ay matuwid, namumuhay silang ganap,sa kanyang kalooban ay doon sila lumalakad.

4. Ibinigay mo nga sa amin ang iyong mga utos,upang buong pagsisikap na ito'y aming masunod.

5. Gayon ako umaasa, umaasang magiging tapat,susundin ang iyong utos, susundin nang buong ingat.