Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 118:8-21 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

8. Higit na mabutina doon kay Yahweh magtiwala ako,kaysa panaligan yaong mga tao.

9. Higit ngang mabutingang pagtitiwala'y kay Yahweh ibigay,kaysa pamunuan ang ating asahan.

10. Sa aking paligidlaging gumagala ang mga kaaway,winasak ko silaat lakas ni Yahweh ang naging patnubay.

11. Kahit saang dakoako naroroon ay nakapaligid,winasak ko silasapagkat si Yahweh ay nasa aking panig.

12. Ang katulad nilaay mga bubuyog na sumasalakay,dagliang nasunog, sa apoy nadarang;winasak ko silasapagkat si Yahweh ang aking sanggalang.

13. Sinalakay ako'thalos magtagumpay ang mga kaaway,subalit si Yahweh, ako'y tinutulungan.

14. Si Yahweh ang lakas ko't kapangyarihan;siya ang sa aki'y nagdulot ng kaligtasan.

15. Dinggin ang masayangsigawan sa tolda ng mga hinirang:“Si Yahweh ay siyang lakas na patnubay!

16. Ang lakas ni Yahwehang siyang nagdulot ng ating tagumpay,sa pakikibaka sa ating kaaway.”

17. Aking sinasabinghindi mamamatay, ako'y mabubuhayang gawa ni Yahweh,taos sa aking puso na isasalaysay.

18. Pinagdusa akoat pinarusahan nang labis at labis,ngunit ang buhay ko'y di niya pinatid.

19. Ang mga pintuanng banal na templo'y inyo ngayong buksan,ako ay papasok,at itong si Yahweh ay papupurihan.

20. Pasukan ni Yahwehang pintuang ito;tanging makakapasokay matuwid na tao!

21. Aking pinupuriikaw, O Yahweh, yamang pinakinggan,dininig mo ako't pinapagtagumpay.