Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 118:24-29 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

24. O kahanga-hangaang araw na itong si Yahweh ang nagbigay,tayo ay magalak, ating ipagdiwang!

25. Kami ay iligtas,tubusin mo, Yahweh, kami ay iligtas!At pagtagumpayin sa layuni't hangad.

26. Pinagpala ang dumarating sa pangalan ni Yahweh;magmula sa templo,mga pagpapala'y kanyang tatanggapin!

27. Si Yahweh ang Diyos,pagkabuti niya sa mga hinirang.Tayo ay magdalang sanga ng kahoy, simulang magdiwang,at tayo'y lumapit sa dambanang banal.

28. Ikaw ay aking Diyos,kaya naman ako'y nagpapasalamat;ang pagkadakila mo ay ihahayag.

29. O pasalamatanang Diyos na si Yahweh, pagkat siya'y mabuti;pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman.(Alef)