Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 118:1-12 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Purihin si Yahweh sa kanyang kabutihan!Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman.

2. Ang taga-Israel,bayaang sabihi't kanilang ihayag,“Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman.”

3. Kayong mga paring Diyos na si Yahweh, bayaang magsaysay:“Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman.”

4. Lahat ng may takotkay Yahweh, dapat magpahayag,“Pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman.”

5. Nang ako'y magipit,ang Diyos na si Yahweh ay aking tinawag;sinagot niya ako't kanyang iniligtas.

6. Kung itong si Yahwehang aking kasama at laging kapiling,walang pagkatakot sa aking darating.

7. Si Yahweh ang siyangsa aki'y tumutulong laban sa kaaway,malulupig sila't aking mamamasdan.

8. Higit na mabutina doon kay Yahweh magtiwala ako,kaysa panaligan yaong mga tao.

9. Higit ngang mabutingang pagtitiwala'y kay Yahweh ibigay,kaysa pamunuan ang ating asahan.

10. Sa aking paligidlaging gumagala ang mga kaaway,winasak ko silaat lakas ni Yahweh ang naging patnubay.

11. Kahit saang dakoako naroroon ay nakapaligid,winasak ko silasapagkat si Yahweh ay nasa aking panig.

12. Ang katulad nilaay mga bubuyog na sumasalakay,dagliang nasunog, sa apoy nadarang;winasak ko silasapagkat si Yahweh ang aking sanggalang.