Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 116:4-7 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

4. Sa ganoong kalagayan, si Yahweh ang tinawag ko,at ako ay nagsumamo na iligtas niya ako.

5. Si Yahweh'y napakabuti, mahal niya ang katuwiran,Diyos siyang mahabagin, sa awa ay mayaman.

6. Si Yahweh ang nag-iingat sa wala nang sumaklolo;noong ako ay manganib, iniligtas niya ako.

7. Manalig ka, O puso ko, kay Yahweh ka magtiwala,pagkat siya ay mabuti't hindi siya nagpapabaya.