Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 116:11-18-19 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

11. Bagama't ako'y takot, nasasabi ko kung minsan,“Wala kahit isang tao na dapat pagtiwalaan.”

12. Kay Yahweh na aking Diyos, anong aking ihahandog,sa lahat ng kabutihan na sa akin ay kaloob?

13. Ang handog ko sa dambana, ay inumin na masarap,bilang aking pagkilala sa ginawang pagliligtas.

14. Sa tuwinang magtitipon ang lahat ng kanyang hirang,ang anumang pangako ko, ay doon ko ibibigay.

15. Tunay ngang itong si Yahweh, malasakit ay malaki,kung ang isang taong tapat, kamatayan ay masabat.

16. O Yahweh, naririto akong inyong abang lingkod,katulad ng aking ina, maglilingkod akong lubos;yamang ako'y iniligtas, kinalinga at tinubos.

17. Ako ngayo'y maghahandog ng haing pasasalamat,ang handog kong panalangi'y sa iyo ko ilalagak.

18-19. Kapag nagsasama-sama ang lahat ng iyong hirang,sa templo sa Jerusalem, ay doon ko ibibigayang anumang pangako kong sa iyo ay binitiwan.Purihin si Yahweh!