Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 116:1-4 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Minamahal ko si Yahweh, pagkat ako'y dinirinig,dinirinig niya ako, sa dalangin ko at hibik;

2. ako'y kanyang dinirinig tuwing ako'y tumatawag,kaya nga't habang buhay ko'y sa iyo lagi tatawag.

3. Noong ako'y mahuhulog sa bingit ng kamatayan,nadarama ko ang tindi ng takot ko sa libingan;lipos ako ng pangamba at masidhing katakutan.

4. Sa ganoong kalagayan, si Yahweh ang tinawag ko,at ako ay nagsumamo na iligtas niya ako.