Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 115:4-8 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

4. Ginawa sa ginto't pilak ang kanilang mga diyos,sa kanila'y mga kamay nitong tao ang nag-ayos.

5. Totoo nga at may bibig, ngunit hindi makapagsalita,at hindi rin makakita, mga matang pinasadya;

6. di rin naman makarinig ang kanilang mga tainga,ni hindi rin makaamoy ang ginawang ilong nila.

7. Totoo nga na may kamay ngunit walang pakiramdam,mga paa'y mayroon din ngunit hindi maihakbang,ni wala kang naririnig kahit munting tinig man lang.

8. Ang gumawa sa kanila at pati ang nagtiwala,lahat sila ay katulad ng gayong diyos na ginawa.