Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 112:1-6 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Purihin si Yahweh!Mapapalad ang tao na kay Yahweh ay gumagalang,at taus-pusong sumusunod sa kanyang kautusan.

2. Ang kanyang lipi'y magiging dakila,pati mga angkan ay may pagpapala.

3. Magiging sagana sa kanyang tahanan,pagpapala niya'y walang katapusan.

4. Ang taong matuwid, may bait at habag,kahit sa madilim taglay ay liwanag.

5. Ang mapagpautang nagiging mapalad,kung sa hanapbuhay siya'y laging tapat.

6. Hindi mabibigo ang taong matuwid,di malilimutan kahit isang saglit.