Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 111:1-7 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Purihin si Yahweh!Buong puso siyang pasasalamatan,aking pupurihin sa gitna ng bayan kasama ng mga lingkod na hinirang.

2. Ang mga gawa ni Yahweh, tunay napakadakila,mga nalulugod sa kanya, lagi itong inaalala;

3. lahat niyang gawa'y dakila at wagas,katuwiran niya'y hindi magwawakas.

4. Hindi maaalis sa ating gunita,si Yahweh ay mabuti't mahabaging lubha.

5. Ang sa kanya'y gumagalang pagkain ay sagana;pangako ni Yahweh ay di nasisira.

6. Ipinadama niya sa mga hinirang, ang kapangyarihan niyang tinataglay,nang ibigay niya lupa ng dayuhan.

7. Ang gawa ng Diyos, matuwid at tapat,at maaasahan lahat niyang batas.