Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 109:3-16 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

3. Kay rami ng sinasabing pangungusap na di tunay,kinakalaban nga ako kahit walang madahilan.

4. Bagaman sila'y minahal ko, masama rin ang paratang,kahit ko pa idalangin, masama pa rin yaong bintang.

5. Sa mabuting ginawa ko, iginanti ay masama,kapalit ng pag-ibig ko ay galit at alipusta.

6. Ang itapat mo sa kanya'y masama ring tulad niya,kaaway ang pausigin, nang magtamo ng parusa,

7. pagkatapos na malitis, bayaan mo na magdusa,kahit siya manalangin, huwag mo nang dinggin pa.

8. Ang dapat ay paikliin tinataglay niyang buhay,kuhanin ng ibang tao maging kanyang katungkulan.

9. Silang mga anak niya ay dapat na maulila,hayaan mong maging biyuda, itong giliw nilang ina.

10. Bayaan ang mga supling, maglakad at mamalimos,sa nawasak na tahanan palayasin silang lubos.

11. Ang lahat ng yaman niya'y ilitin ng nagpautang,agawin ng ibang tao, ang bunga ng pagpapagal.

12. Hindi siya nararapat kahabagan nino pa man,kahit anak na ulila sa hirap ay pabayaan.

13. Pati angkan niya't lahi, ay bayaang mamatay,sa sunod na lahi niya, ngalan niya ay maparam.

14. Gunitain sana ni Yahweh ang sala ng kanyang angkan,at ang sala nitong ina ay di dapat malimutan.

15. Huwag din sanang malimutan ni Yahweh ang sala nila,ngunit sila naman mismo ay dapat na malimot na!

16. Pagkat mga taong iyo'y wala namang natulungan,bagkus pa ang mahirap inuusig, pinapatay.