Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 109:22-31 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

22. Pagkat ako ay mahirap, laging nangangailangan,labis akong naghihirap sa ganitong kalagayan.

23. Anino ang katulad ko na kung gabi'y nawawala,parang balang na lumipad, kapag ako ay inuga.

24. Mahina na ang tuhod ko, dahilan sa di pagkain,payat na ang katawan ko, buto't balat sa paningin.

25. Ang sinumang makakita sa akin ay nagtatawa,umiiling silang lahat kapag ako'y nakikita.

26. Tulungan mo ako, Yahweh, sana naman ay iligtas,dahilan sa pag-ibig mong matatag at di kukupas.

27. Bayaan mong makilala na ikaw ang nahahabag,ipakita sa kaaway na ikaw ang nagliligtas.

28. Ako'y iyong pagpalain, kung kanilang sinusumpa,sa kanilang pag-uusig bayaan mong mapahiya;ako namang iyong lingkod mabubuhay na may tuwa.

29. Silang mga nang-uusig, bayaan mong mabahala,ang damit ng kahihiyan, isuot mo sa kanila.

30. Kay Yahweh ay buong puso akong magpapasalamat,sa gitna ng karamiha'y magpupuri akong ganap;

31. pagkat siya'y laging handang tumulong sa mahihirap,na lagi nang inuusig at ang gusto'y ipahamak.