Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 109:16-24 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

16. Pagkat mga taong iyo'y wala namang natulungan,bagkus pa ang mahirap inuusig, pinapatay.

17. Mahilig sa pagsumpa, kaya dapat na sumpain,yamang ayaw na magpala, di dapat pagpalain.

18. Ang pagsumpa sa kapwa sa kanya ay parang damit, kasuotang oras-oras nagagawa ang magbihis;sana'y siya ang ginawin, katulad ng nasa tubigtumagos sa buto niya, iyong sumpang parang langis.

19. Sana'y maging kasuotang nakabalot sa katawan,na katulad ng sinturong nakabigkis araw-araw.

20. Ang ganitong kaaway ko, Yahweh, iyong parusahan,sa dami ng ginagawa't sinasabing kasamaan.

21. Katulad ng pangako mo, Yahweh, ako ay tulungan,yamang ika'y mapagmahal, ako'y ipagtanggol naman.

22. Pagkat ako ay mahirap, laging nangangailangan,labis akong naghihirap sa ganitong kalagayan.

23. Anino ang katulad ko na kung gabi'y nawawala,parang balang na lumipad, kapag ako ay inuga.

24. Mahina na ang tuhod ko, dahilan sa di pagkain,payat na ang katawan ko, buto't balat sa paningin.