Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 109:1-5 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Pinupuri kita; O Diyos, huwag ka sanang manahimik,

2. ako ngayo'y nilulusob niyong mga malulupit,mga taong sinungaling na manira lang ang nais.

3. Kay rami ng sinasabing pangungusap na di tunay,kinakalaban nga ako kahit walang madahilan.

4. Bagaman sila'y minahal ko, masama rin ang paratang,kahit ko pa idalangin, masama pa rin yaong bintang.

5. Sa mabuting ginawa ko, iginanti ay masama,kapalit ng pag-ibig ko ay galit at alipusta.