Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 108:9-13 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

9. Ang Moab ay isang lugar na gagawin kong hugasan,samantalang itong Edom ay lupa kong tatapakan;doon naman sa Filistia, tagumpay ko'y isisigaw.”

10. Sino kaya ang sasama sa lakad ko, Panginoon? Sa lunsod na mayroong kuta, sino'ng maghahatid ngayon?Sino kaya'ng magdadala sa akin sa lupang Edom?

11. Dahil kami'y itinakwil, hindi mo na pinapansin.Kung ikaw ay di kasama, paano ang hukbo namin?

12. O Diyos, kami'y tulungan mo sa paglaban sa kaaway,pagkat ang tulong ng tao ay walang kabuluhan.

13. Kung ang Diyos ang kasama, kasama sa panig namin,matatamo ang tagumpay, ang kaaway tatalunin.Isang Awit na katha ni David upang awitin ng Punong Mang-aawit.