Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 108:4-6 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

4. Pag-ibig mong walang maliw ay abot sa kalangitan,nadarama sa itaas ang lubos mong katapatan.

5. Sa ibabaw ng mga langit ikaw ay itatanghal,at dito naman sa daigdig ang iyong kaluwalhatian.

6. Sa taglay mong kalakasan kami sana ay iligtas,upang kaming iyong lingkod ay hindi na mapahamak;dinggin mo ang dalangin ko kapag ako'y tumatawag.