Magandang Balita Biblia Revisi

Mga Awit 107:5-11 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

5. Wala nang makainkaya't sila'y nagutom, nauhaw na lubha,ang katawan nilaay naging lupaypay, labis na nanghina.

6. Nang sila'y magipit,kay Yahweh, sila ay tumawag,at dininig namansa gipit na lagay, sila'y iniligtas.

7. Inialis silasa lugar na iyon at pinatnubayan,tuwirang dinalasa payapang lunsod at doon tumahan.

8. Kaya dapat namangkay Yahweh ay magpasalamat,dahil sa pag-ibigat kahanga-hanga niyang pagliligtas.

9. Mga nauuhaway pinapainom upang masiyahan,mga nagugutomay pawang binubusog sa mabuting bagay.

10. Sa dakong madilim,may mga nakaupo na puspos ng lungkot,bilanggo sa dusa,at sa kahirapan sila'y nagagapos.

11. Ang dahilan nito—sila'y naghimagsik, lumaban sa Diyos;mga pagpapayo ng Kataas-taasan ay hindi sinunod.